Sunday, July 01, 2007

Dedicated To My Beloved Home.. MIDGARD..

(The Real Meaning of Ragnarok.. "End of Everything" or is it?)



Definitions of Terms:

pRO, Ragnarok - A Multiplayer Online Role Playing Game

Bot - Automatic pilot software that allows you to play the game even if you are AFK, Used/Abused for fast leveling up and harvesting zenny (in-game currency), Illegal software, but due to its widespread amongst players it was then announced to be legal by maam Shiela Paul(ex LUG pRO marketing Manager)

Dupers - Greedy people/players who exploit game bugs to duplicate rare and expensive in-game items for zenny gain or even real life money gain, really greedy people

LUG - Level Up Games, The local company that runs the game, visit their website www.leveupgames.ph

GM - Game Master, In-game helpers/police from the company

BS - Blacksmith, one of the in-game character job/class

GH(Glast Heim), Commodo - Town/map/place from the game


Ganito kuwento niyan eh.. nung una sa isang server siguro mga 2-5 percent lang ang nag bobot.. nung una nag baban sila.. hanggang sa tinamad na sila.. tapos nagkatunugan "uy pare di na sila nag baban ng players" hanggang sa dumami botters.. tapos eto namang LUG inaccept na nila na legal ang bot.. inaccept kasi nag escalate na siya to the point na di na nila macontrol..

Parang tire rin yan ng sasakyan.. pag nabutas di mo agad tinapalan lalaki yan to the point na di na masolusyunan ng vulcanize at kailangan mo ng magpalit ng gulong..

Saka disiplina na rin sa players.. marami anti botters.. but they themselves bot ^^ marami ako kilalang ganyan.. sinasabi nila: "miss ko na yung dating pRO yung maraming kakwentuhan at kaaway.. sige pare bot na ako.." diba? maraming guilty ng ganyan..

Saka isa pa kasi yung mga players nabulag sa lakas.. inisip nila ang paglalaro ng ragnarok ay ang pagiging pinakamayaman at pinaka malakas.. yung unahan na mag 99.. i do remember nung beta days ko id sit sa morroc bugging novice tinatank ko sila kahit mage ako tapos kwentuhan lang.. para sa akin mas masaya yung ganun kaysa sa oo 99 ka nga mayaman ka nga.. iniidolo ka.. pero iipin mo pag hindi ka 99? mayaman? malakas? lalapitan ka ba ng mga yan?

Nung una goal ko sa ragnarok maghagilap ng mga friends.. REAL friends hindi yung mga "kuya lakas mo ha?? waw yaman! friends tayo ha?" hahaha.. saka humanap na rin ng chickababes.. hahaha.. kaso wala na.. alaala na lang lahat ng yun.. magagandang alaala..

Siguro himala na lang makapag papabalik ng dating ragnarok.. yung mga kaibigan ko na nakasabay tumanda sa larong ito kinoconvince ko bumalik.. masakit isipin na yung mga kakulitan mo at naging bestfriends mo sa larong ito.. yung mga taong napatunayan mo or nakilala mo kung sino talaga sila sa pamamagitan ng larong ito.. wala na.. "sorry bro wala akong pang load eh saka walang mag bobot sa akin" ..sila na ngayon ay kinamumuhian na ang larong minsang itinuring ninyong mundo..

Mga LUG.. diba nag laro rin kayo? diba nasubukan nyo rin kung pano maging masaya sa Ragnarok?? Ikaw Wauks? diba isa ka sa mga tinitingalang BS sa chaos? Ngayon parang alam ko na dahilan bakit nag resign si maam Sheila Paul hindi na ba kinaya?.. alam ko mahal rin niya tong larong ito eh.. hindi lang mahal.. mahal na mahal.. too bad we've lost her..

Mga GM!! diba masaya noon? nung nag bubuffs pa kayo ng mga players? nung mga araw na nag alay lakad kayoi nung pagbukas ng Commodo?.. ang saya nun diba? ang daming makukulit na mga players na parang mga batang sumusunod sa inyo papuntang Commodo.. nung nag reresu kayo sa GH? marami nag thathank you pa nga sa inyo at namamangha sa inyo noon diba? kumbaga idol nila kayo! naaalala nyo pa ba nung pag nagpakita kayo sa isang lugar na maraming tao para kayong mga celebrity.. sikat.. iniidolo.. kinakatakutan.. NIRERESPETO..

Sa dupers.. aantayin nyu (LUG) ba na maging ganito rin ang kwento? "Maglalaro ulit ako ng ragnarok.. basta kompletuhin nyu Godly items ko ha?" aantayin nyu pa ba na ganyan sasabihin ng mga players?

Lungkot diba?

No comments: